|
News -
Major News
|
|
Tuesday, 20 April 2010 07:22 |
|
Pinal nang ibinasura ng Korte Suprema ang motions for reconsideration kaugnay sa pagtatalaga ni Pangulong Gloria Arroyo ng punong mahistrado kapalit ni Reynato Puno na magreretiro sa may 17.
Pinanindigan ng Korte Suprema ang kanilang March 17 ruling na nagbigay ng karapatan kay Ginang Arroyo na mag-appoint ng susunod na Chief Justice sa kabila ng election appointment ban.
Gaya sa nakaraang botohan, siyam na mahistrado ang pabor na magtalaga si Pangulong Arroyo ng kapalit ni puno habang isa ang tumutol sa katauhan ni Associate Justice Conchita Carpio-Morales.
Ang 9 na mahistradong pabor sa CJ appointment ay sina Lucas Bersamin, Jose Perez, Roberto Abad, Martin Villarama, Arturo Brion, Teresita Leonardo De Castro, Mariano Del Castillo, Jose Mendoza at Diosdado Peralta.
Pinanindigan naman nina Associate Justices Presbitero Velasco at Antonio Nachura na premature ang usapin habang nag-inhibit sina Puno, Justices Antonio Carpio at Renato Corona.
|