You are here :  
Today is : Saturday, 25 May 2013
Andal Ampatuan Jr., Nailipat na ng Kulungan!
News - Government
Thursday, 15 April 2010 04:01

Nailipat na sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City si Datu Undsay, Maguindanao Mayor Andal Ampatuan Jr. mula sa dentention facility ng NBI, sa Maynila.

Alinsunod ito sa ruling ng Korte Suprema na ikulong si Andal Jr. sa five-storey detention cell sa Bicutan.
Dumating ang convoy nito sa Metro Manila District Jail, kaninang 11:30 AM.

Gaya ng nakagawian tuwing ilalabas ng piitan si Andal Jr., naka-posas ito at nakasuot ng bullet proof vest.

Kabilang sa umeskort sa prime suspect ng Maguindanao Massacre ang mga tauhan ng NBI,  MPD  at  PNP-Highway Patrol Group.

Bago umalis ng NBI kaninang pasado alas diyes ay sumailalim si Andal Jr. sa medical check-up.

 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000