You are here :  
Today is : Wednesday, 08 September 2010
Jason Ivler, Arestado Makaraang Makibagbarilan sa NBI!

jason ivler

Ina, Kakasuhan ng Obstruction of Justice

Arestado na si Jason Ivler, ang suspect sa pagpaslang sa anak ni Presidential Chief of Staff, Undersecretary Renato Ebarle Sr.

Si Ivler na isang Fil-Am ang itinurong bumaril kay Renato Jr noong November 18, 2009 bunsod ng away trapiko sa Boni Serrano Ave., Quezon City.

Ayon kay NBI Spokesman, Atty Ric Diaz, si Ivler ay inaresto sa kanilang tahanan sa blueridge subdivision sa quezon city ng mga tauhan ng nbi special action unit at intelligence division.

 

Tinamaan ng bala sa kaliwang balikat at tagiliran si Ivler matapos manlaban gamit ang armalite.

Dalawa ring ahente ng NBI ang tinamaan ng bala matapos mag-ala Rambo si Ivler.

Obstruction

Arestado rin ang ina ni Jason na si Marlene Aguilar na sinasabing nagpaputok din ng baril  at maging ang kanilang mga  kasambahay ay dinampot ng mga  tauhan ng nbi para kunan ng pahayag.

Isa sa kasambahay ng pamilya Aguilar ang nagbigay ng impormasyon sa nbi na nagtatago si Ivler sa kanilang tahanan sa Blueridge, Quezon City.

Kakasuhan ng NBI ng obstruction of justice at pagka-kanlong ng kriminal  ang ina ni Ivler na si marlene aguilar at British National nitong step–father na si Steve Pollard.

Dawit din sa kaso ang mga kasambahay ng mga Ivler.

Sinabi sa DZME, ang Radyo Uno ni NBI Director Nestor Mantaring na hindi ligtas sa kaso si Marlene dahil matagal nitong itinago ang anak.

Armado

Maliban sa kasong pagpatay, mahaharap din sa kasong pag-iingat ng  armas at mga bala si Ivler matapos itong makumpiskahan ng armalite at maraming bala.

Sinabi ni Rolando Argavioso, NBI intelligence service chief operation head agent     na gumamit din si ivler ng armor-piercing bullets.

Ito aniya ang dahilan nang pagkakasugat sa dibdib ni Special Investigator-3 Anna Lira Labao sa kabila ng nakasuot ito ng body armor.

Magtatalaga naman ang NBI at Quezon City Police District ng mga tauhan sa Quirino Memorial Medical Center habang naka-confine sa nasabing pagamutan si Ivler.

Stable

Stable  naman  ang  kondisyon  ni  Ivler  sa  Quirino Memorial  Medical  Center.

Ayon  kay  Dr.  Fernando  Lopez,  Head  Surgeon  sa  naturang  ospital,  tinanggal  nila  ang  apdo  ng  bente  syete  anyos  na  Fil-Am  at  ang  dalawang  pulgada  ng  kanyang  malaking  intestine.

Iniulat ni Lopez  na  tinamaan  ang  apdo  at  intestine  ni  Ivler  nang  makipagpalitan  ito  ng  putok  sa  mga  tauhan  ng  NBI.

 

 

 

Add comment


Security code
Refresh

Live Video Streaming

typhoon 2000