|
News -
Major News
|
|
Tuesday, 06 April 2010 04:04 |
|
Tatlumpung milyong piso ang inilaan ng Comelec sa pagbili ng 80,000 ultra violet lamps na gagamitin ng board of election inspectors sa pagtukoy sa UV mark sa mga balota sa eleksyon sa Mayo a-diyes.
Ayon kay Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal, bagaman tapos na ang bidding para sa pagbili ng U.V. Detectors, hindi pa nila pormal na nai-aaward ang kontrata.
Una nang inamin ng poll body na hindi naka-aligned ang UV ink sa scanner kaya hindi mabasa ng Precinct Count Optical Machines ang mga balota.
Samantala, umabot na sa mahigit 32 M balota ang naimprenta ng National Printing Office, hanggang kahapon.
Limang printers ang pinatatakbo ng NPO para matapos ang pag-iimprenta ng mahigit limampung milyong balota hanggang Abril a-bente singko. |