You are here :  
Today is : Friday, 24 May 2013
Pagbuwag sa Presidential Electoral Tribunal, Hiniling sa Korte Suprema ni Election Lawyer Romulo Macalintal!
News - Major News
Monday, 05 April 2010 08:45

Hiniling ni election lawyer Romulo Macalintal sa Korte Suprema na ideklarang unconstitutional ang pagbuo sa Presidential Electoral Tribunal o PET.

Sa pitong pahinang petisyon, iginiit ni Macalintal na ang pagbuo sa PET ay labag sa Article 7 Section 4 ng 1987 Constitution.
Nakasaad sa Konstitusyon na ang mga miyembro ng Supreme Court at iba pang korte ay hindi dapat ilagay sa anumang ahensya na may quasi-judicial  o  administrative functions.

Ipinunto ni Macalintal na ang Supreme Court ay hindi maaring umakto bilang quasi-judicial body na mayroong hiwalay na budget, mga empleyado  at  ibang seal.

Ang presidential electoral tribunal ang humuhusga sa lahat ng reklamo na may kaugnayan sa halalan, election returns at qualifications ng mga kandidato sa pagka-presidente at bise-presidente.

 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000