You are here :  
Today is : Thursday, 23 May 2013
Pangulong Gloria Arroyo, Magdamag Nagbantay Kay First Gentleman Mike Arroyo; St. Luke’s, Pansamantala Nitong Gagawing Malakanyang!
News - Major News
Friday, 26 March 2010 04:36

Magdamag binantayan  ni Pangulong Gloria Arroyo si First Gentleman Mike Arroyo sa Saint Luke’s Medical Center sa Global City sa  Taguig.

Umalis naman sa ospital bandang hatinggabi sina Rep. Diosdado "Dato" Arroyo at presidential brother-in-law, Rep. Ignacio Arroyo Jr.
Ayon kay Presidential Spokesman Ricardo Saludo, bagaman kailangan ang mahigpit na monitoring sa puso at blood pressure  ng unang ginoo,  stable ang kundisyon nito magdamag.

Sa medical bulletin ng mga doktor ng unang ginoo kagabi, may maliit na laslas ang aorta  ng unang ginoo malapit sa inoperahan noong 2007.

Ang aorta ang pinakamalaking ugat sa puso.

Pansamantalang mag-oopisina sa naturang ospital si Pangulong Gloria Arroyo habang binabantayan ang mister.

Kanselado rin ang maghapon na schedules ng pangulo sa labas at maging ang kampanya nito sa second district ng Pampanga kung saan ito kandidato sa  pagka-kongresista.

Maging ang mga pulong ng pangulo sa mga miyembro ng gabinete ay sa Saint Luke’s gagawin. 

Bumisita naman si Congressman Mikey Arroyo sa kanyang ama.

Gayunman, wala pang isang oras ay lumabas ang presidential son sa ospital  at hindi ito nagbigay ng pahayag sa media.

Samantala, wala pang inilalabas na panibagong medical bulletin ni FG ang St. Luke’s.

 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000