|
News -
Major News
|
|
Wednesday, 24 March 2010 04:54 |
|
Dumipensa ang Malakanyang sa pagiging partylist nominee ng anak ni Pangulong Gloria Arroyo na si Congressman Mikey Arroyo sa ilalim ng “Ang Galing Pinoy” Partylist Group.
Iginiit ni Presidential Spokesman Ricardo Saludo na walang nilalabag ang Pamilya Arroyo sa Konstitusyon.
Umapela si Saludo sa media na huwag ituon ang atensiyon sa pagpuna sa isang pamilya lamang tulad sa mga Arroyo sa usapin ng political dynasty.
Ito aniya ay dahil marami pang pamilya ng mga politiko ang pare-parehong nasa Kongreso.
Sinabi ni Saludo na kung gustong imbestigahan ng media ang political dynasty ay lahatin dapat ito upang hindi lumabas na idinidiin lamang dito ang pamilya Arroyo.
Sinabi naman ni Press Sec. Jun Icban na natural lamang sa isang pamilya ng mga politiko na manatili sa public office sa mahabang panahon kung ito ang kanilang mundo.
Aniya, sa bandang huli ay ang taumbayan pa rin ang magdedesisyon. |