|
News -
Major News
|
|
Tuesday, 23 March 2010 08:25 |
|
Nagsalita na si PNP Chief, Director General Jesus Verzosa sa umano’y tampo sa kanya ni Pangulong Gloria Arroyo.
Sa gitna ng pulong ng national task force “Hope” sa Kampo Crame, nakiusap ang heneral sa lahat na tigilan ang isyu dahil naaabala ang kanilang paghahanda sa May 10 elections.
Umapila rin si Verzosa na huwag nang palakihin ang hindi pagbati sa kanya ng pangulo nang dumalo sila sa anibersaryo ng army noong Lunes sa Fort Bonifacio.
Inamin ni Verzosa na dahil sa intriga ay naaabala ang kanilang trabaho sa paghahanda sa halalan sa Mayo 10.
Nag-ugat ang sinasabing tampo kay Verzosa nang sabihin nito na hindi niya susuportahan si AFP Chief of Staff Delfin Bangit sa anumang aksyon na magpapalawig sa termino ng pangulo na matatapos sa June 30. |