You are here :  
Today is : Monday, 20 May 2013
Morong 43, Hindi Iniharap ng AFP sa CHR; Police Director ng Rizal, Bumaligtad!
News - Major News
Thursday, 18 March 2010 08:15

Nagmatigas  ang  AFP  na  huwag  iharap  sa  Commission  on  Human  Rights  ang  Morong  43  na  inaresto  sa  naturang  bayan  sa  Rizal  noong  Pebrero  a-sais,  sa  hinalang  miyembro  ang  mga  ito  ng  NPA.

Iginiit  ng  AFP  Judge  Advocate  General’s  Office  na  ang  pag-aresto  sa  43  health  workers  ay  police  operation  at  kailangan  ang  court  order  bago  ilabas  ang  mga  ito.
Aalamin  sana  sa  hearing  ng  CHR  kung  bakit  nakakulong  pa  ang  mga  ito  sa  Camp  Capinpin  sa  Tanay  Rizal  na  kampo  ng  militar  at  kung  nilabag  ang  kanilang  karapatang  pantao.

Nagbabala  si  CHR  Chairperson  Leila  de  Lima  na  kung  hindi  muli  sila  susundin  ng  AFP  ay  kanya  itong  iko-contempt.

Ang  Morong  43  ay  nahaharap  sa  kasong  illegal  possession  of  firearms.

Samantala, ipinagkanulo  ng  Rizal  PNP ang  AFP  kaugnay  sa  pag-aresto  sa  Morong  43.

Sa  hearing  ng  Commission  on  Human  Rights,  inamin  ni  Supt. Marion Balonglong,  hepe  ng  Rizal PNP  na  hindi sila nakatitiyak na mga miyembro ng NPA ang apatnapu’t tatlong health workers na inaresto noong Pebrero a-sais.

Aniya, ang  kanila lamang impormasyon ay may mahigit tatlumpu katao ang labas-masok sa bahay ng isang Mario Conde, sa barangay Maybangcal na subject ng kanilang search warrant.

Hindi naman aniya kinumpirma sa report na mga rebelde ang mga labas-masok sa bahay ni Conde kaya nagpatulong sila sa militar sa pagsasagawa ng operasyon.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000