|
News -
Major News
|
|
Thursday, 18 March 2010 03:51 |
|
Hindi obligado ang Judicial and Bar Council na magsumite ng shortlist ng kapalit ni Chief Justice Reynato Puno.
Ito, ayon kay Supreme Court Spokesman, Atty. Midas Marquez ay hanggat hindi pa final and executory ang desisyon ng Korte Suprema na nagbigay kapangyarihan kay Pangulong Gloria Arroyo na mag-appoint ng susunod na chief justice.
Paliwanag ni Marquez, maari pang i-apila ang desisyon ng SC sa loob ng labinlimang araw.
Binuweltahan naman ng Malakanyang ang mga nangangamba na maging sunud-sunuran kay Pangulong Arroyo ang itatalaga nitong chief justice.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesman Gary Olivar, mas nakababahala kung ang susunod na pangulo ang mag-aapoint ng punong mahistrado dahil maari nitong protektahan ang interest ng nagtalaga sa kanya. |