You are here :  
Today is : Wednesday, 23 July 2014
Suspendidong Cebu Gov. Gwendolyn Garcia, Bigong Makakuha ng TRO
News - Major News
Wednesday, 02 January 2013 07:59

Bigo ang kampo ni suspended Cebu Gov. Gwendolyn Garcia na makakuha ng temporary restraining order laban sa suspensyon sa kanya.

Sa halip, itinakda ng court of appeals 12th division sa Enero 10, alas-10 ng umaga ang oral argument sa kanyang petisyon.

Pinagkokomento rin ng CA ang Malakanyang sa petisyon ni garcia matapos ang deliberasyon ng mga mahistrado kanina.

Ang 6-month suspension order ng DILG laban kay Garcia ay bunga ng kinakaharap na administrative case ng gobernador na nakabinbin noon pang 2010.

Ang reklamo ay isinampa ng namayapang si Vice Governor Gregorio Sanchez Jr.

Sa reklamo, inakusahan ni Sanchez si Garcia na nagmalabis sa kapangyarihan nang bawasan ang pondo ng Office of the Vice Governor, pagkuha ng mga consultant at maging ng empleyado.

Una nang nabigo ang mga mahistrado na desisyunan ang kaso ni Gov. Garcia nuong disyembre ng nakalipas na taon dahil ang mga ito ay nasa decision writing

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000