You are here :  
Today is : Monday, 20 October 2014
Pitong Taong Gulang na Tinamaan ng Ligaw na Bala, Pumanaw na
News - Police
Wednesday, 02 January 2013 07:56

Pumanaw ang pitong taong gulang na batang tinamaan ng ligaw na bala sa ulo, sa Caloocan City, noong bisperas ng bagong taon.

Dalawang araw nananatili at nakipaglaban sa kamatayan si Stephanie Nicole Ella, sa Intensive Care Unit ng East Avenue Medical Center, sa Quezon City.

Una nang inamin ng mga doktor na maliit ang tsansa na mabuhay pa ang bata dahil sa tinamo nitong tama ng bala sa ulo na nagresulta sa pamamaga ng kanyang utak.

Ilang beses ding tumugil sa pagtibok ang puso ni Stephanie simula kaninang madaling araw at nakakahinga lamang ito sa pamamagitan ng respirator.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000