You are here :  
Today is : Wednesday, 17 September 2014
Malakanyang, Tiniyak na Hindi Tatantanan ang Paghahabol sa Marcos Ill-Gotten Wealth
News - Major News
Wednesday, 02 January 2013 05:43

Hindi tatantanan ng Malakanyang ang paghahabol sa mga umano’y nakaw na yaman ng Pamilyang Marcos.

Ito ang naging pahayag ng palasyo matapos sabihin ng Presidential Commission on Good Government na ititigil na nila ang operasyon para habulin ang mga Marcos.

Ayon kasi kay PCGG Chairman Andres Bautista, ilan lamang sa dahilan ay kapos ang kanilang pondo para sa  operasyon at ang pagbabalik sa kapangyarihan ng pamilya Marcos.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, itutuloy naman ng Department of Justice ang trabaho sakaling ma-abolish na ang PCGG.

Hindi naman masabi ni Lacierda kung kuntento ba ang palasyo sa naging trabaho ng pcgg, ang nasagot nalang ng kalihim ay tingnan nalang ang mga nagawa nito sa loob ng 30 taon.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000