You are here :  
Today is : Thursday, 24 April 2014
Meralco, May Refund Ngayong Enero para sa mga Customer
News - Major News
Wednesday, 02 January 2013 04:09

May panibagong refund ang Manila Electric Company o Meralco para sa kanilang mga customer ngayong Enero.

Ayon kay Dina Lomotan, head ng external affairs ng Meralco, bukod sa refund ng aktwal na bill deposit na ibinigay noong nakaraang taon ay maaari na ring i-refund ang interes nito ngayong buwan.

Aniya, padadalhan nila ang mga customer ng notice na maari na nilang i-refund ang bill deposit kasama ang interes.

Sinabi ni Lomotan na ngayong buwan ay makatatanggap ng sulat ang mga nagbabayad ng “on or before due date” sa nakalipas na tatlong taon, na pwede na nilang i-refund ang kanilang bill deposits kasama ang interes  o  maari rin na ipunin ang interest per billing.

Bukod sa pagbabalik ng mga sobrang singil, sinabi ni Lomotan na paraan na rin ito ng Meralco para mahikayat ang kanilang mga customer na magbayad sa tamang due date.

Nilinaw naman ni Lomotan na sakaling bigong makapagbayad o mahuli sa pagbayad ang isang customer sa due date nito ay muli siyang sisingilin ng Meralco ng bill deposit.

Kung may mga katanungan hinggil sa refund ay maaaring tumawag sa Meralco hotline 16211 o kaya'y bisitahin ang kanilang Facebook page o sa mismong website ng kumpanya.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000