You are here :  
Today is : Sunday, 26 October 2014
Gun Ban sa 2013 Midterm Elections, Sisimulan sa Enero 13
News - Major News
Wednesday, 02 January 2013 04:08

Sisimulan na ang gun ban para sa May 2013 midterm elections sa Enero 13.

Dahil dito, ipagbabawal na ang pagdadala ng mga armas at iba pang deadly weapons maliban na lang kung binigyan ito ng otorisasyon ng Comelec.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., matagal na nila itong pinaghandaan at katunayan ay mayroon na rin silang itinayong check points para rito.

Nakikipag-ugnayan na rin anya ang pulisya at AFP sa Comelec hinggil sa gun ban.

Ipinaliwanag pa ni Cerbo na dahil sa gun ban ay kanselado na rin ang lahat ng permit na ibinigay ng PNP.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000