You are here :  
Today is : Thursday, 17 April 2014
Arroyo, May Banat kay PNoy sa Bagong Taon
News - Major News
Wednesday, 02 January 2013 04:06

Binanatan ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Arroyo si Pangulong Noynoy Aquino sa pamamagitan ng kanyang New Year message.

Ito’y sa pagsasabing ang anti-corruption slogan ng Aquino Administration ay patuloy na kinukutya dahil sa pag-abuso sa kapangyarihan para paburan ang mga kakampi labang idinidiin ang mga nasa kabilang panig.

Sinabi rin ni Ginang Arroyo na ang pangakong Public-Private Partnership Projects ay nananatiling dapat bantayan dahil wala pa kahit isang proyekto ang naku-kompleto.

Ipinaalala rin ng dating pangulo na ang economic progress na tinatamasa ng bansa ngayon ay una nang nakamit noong panahon ng kanyang administrasyon.

Umaasa si Congresswoman Arroyo na maigagawad ang totoong hustisya sa lahat,  nang walang partiality at prejudice.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000