You are here :  
Today is : Saturday, 30 August 2014
Mga Tinamaan ng Ligaw na Bala sa Pagsalubong sa Bagong Taon, Umabot ng 40
News - Major News
Wednesday, 02 January 2013 04:00

Umakyat na sa 40 ang bilang ng mga biktima ng stray bullets o ligaw na bala sa bansa sa pagsalubong ng bagong taon.

Ayon kay PNP spokesperson Generoso Cerbo,  batay lamang ito sa initial count ng kanilang mga personnel sa buong bansa.

Sinabi ni Cerbo na 18 katao ang inaresto ng pulisya dahil sa indiscriminate firing o pagpapaputok ng baril kung saan 12 rito ay nagmula sa Metro Manila.

Para naman anya sa sinumang makapagbibigay ng anumang impormasyon kaugnay sa mga nagpaputok ng baril sa pagsalubong ng bagong taon ay maaring magsumbong sa pnp hotline sa numerong 117 at  0917-847-5757.

Samantala, patuloy ang pakikipaglaban sa kamatayan ng pitong taong gulang na estudyante na tinamaan ng ligaw na bala noong pagsalubong sa bagong taon.

Nananatili si Stephanie Nicole Ella, residente ng Caloocan City sa intensive care unit ng East Avenue Medical Center, sa Quezon City.

Kasabay nito ay nanawagan ang pamilya ng paslit sa Philippine National Police na hulihin ang responsable sa krimen.

Umaasa naman ang lolo ni Stephanie na si Aquilino na makaliligtas ang kanyang apo.

Nanonood ang pamilya ng fireworks noong 12:15 ng hatinggabi noong bisperas ng bagong taon nang bigla na lamang matumba ang bata matapos tamaan ng ligaw na bala sa ulo.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000