You are here :  
Today is : Wednesday, 30 July 2014
Performance Ratings ni PNoy, Bumaba ngunit Very Good pa rin!
News - Major News
Friday, 28 December 2012 04:58

Tatapusin ni Pangulong Noynoy Aquino ang 2012 na may “very good” performance rating.

Sa December 8 to 11 survey ng Social Weather Stations sa 1200 respondents, 72 percent ang kuntento sa performance ng pangulo habang 17 percent ang hindi kuntento para sa net satisfaction rating na positive 55.

Gayunman, mababa ito ng 12 points kumpara sa positive 67 na nakuha ni Pangulong Aquino noong Agosto.

Pasok pa rin sa “very good” ang annual average rating ni PNoy na nasa positive 53, gaya rin ng nakuha nitong score noong 2011.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000