You are here :  
Today is : Saturday, 26 July 2014
5 Dayuhan, Bihag ng Abu Sayaff - AFP
News - Major News
Friday, 28 December 2012 04:55

 

Kinumpirma ng AFP na bukod sa Australyanong si warren rodwell ay bihag din ng Abu Sayyaf Group ang apat na iba pang dayuhan.

Gayunman, sinabi ni Major Emmanuel Garcia, deputy chief, Public Affairs Office na hindi pa rin nila matukoy ang lokasyon ng mga ito kaya’t humihingi sila ng tulong sa mga mamamayan hinggil sa anumang impormasyon na makapagtuturo sa kinaroroonan ng bandidong grupo at ng kanilang mga bihag.

Kabilang anya sa apat na iba pang dayuhan ang Japanese na si Mamaito Katayama, isang Swiss national, Dutchman at Jordanian Journalist.

Araw ng Pasko nang lumabas ang isang "proof of life" video ng Australian na nagsasabing nawawalan na siya ng pag-asang makalaya mula sa Abu Sayaff.

 

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000