You are here :  
Today is : Thursday, 24 April 2014
3, Sugatan sa Pagsabog sa Sultan Kudarat
News - Major News
Thursday, 27 December 2012 03:41

Tatlo katao ang nasugatan sa pagsabog sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Ayon kay Senior Superintendent Rolen Balquin, provincial police director of Sultan Kudarat, hindi muna pinangalanan ang mga biktima sa naganap na pagsabog sa kahabaan ng national highway sa tapat ng isang pawnshop.

Kabilang sa narekober ng pulisya sa insidente ang ilang bahagi ng 60 millimeter mortar,  cellphone at casette tape,  9-volt battery at wires.

Iniimbestigahan pa rin ng mga otoridad ang naturang pagsabog.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000