You are here :  
Today is : Thursday, 31 July 2014
Suspended Cebu Gov. Gwen Garcia, Posibleng Salubungin ang Bagong Taon sa Kapitolyo
News - Major News
Thursday, 27 December 2012 02:44

Posibleng sa kapitolyo salubungin ni  Cebu Governor  Gwen Garcia ang 2013.

Ito ay dahil sa walang aasahang temporary restraining order (TRO) si Garcia mula sa Court of Appeals (CA) hanggang sa Enero a-dos.

Ito ay dahil sa on leave pa rin ang mga mahistrado ng CA na may hawak sa kaso.

Si Associate Justice Vicente Veloso, Chairperson ng CA 12th Division na ponente sa petisyon at  Associate Justice Aurora Jane Lantion  ay nasa decision writing week leave at makakabalik pa ito sa Enero 2 pa.

Ang Decision writing period ay ibinibigay sa mga mahistrado upang mabigyan sila ng sapat na pagkakataon na tapusin ang mga kaso sa kanilang sala.

Una ng nagpasaklolo si Garcia sa CA upang pigilan ang 6-month suspension na ipinataw sa kanya kaugnay ng administrative case nito noon pang 2010 na inihain ni dating vice governor Gregorio Sanchez Jr. na nag aakusa kay Garcia ng pag abuso sa kapangyarihan at pag-putol sa budget sa kaniyang opisina.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000