You are here :  
Today is : Friday, 24 October 2014
Total Ban sa Paggamit ng Paputok, Posibleng Irekomenda ng DOH
News - Major News
Wednesday, 26 December 2012 02:46

Posibleng irekomenda na lamang ng Department of Health ang total ban sa paggamit ng firecrackers.

Ayon kay Health Assistant Secretary Eric Tayag, ito ay bunsod ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nabiktima ng paputok ilang araw bago magtapos ang taong 2012.

Ito'y sa kabila ng kaliwa't kanan na kampanya kontra paggamit ng paputok.

Sinabi pa ni Tayag na kapag hindi bumaba ang bilang ng mga nabiktima nito ay makikipagpulong sila sa mga stakeholders upang tuluyan nang ipagbawal ang paggamit ng paputok.

Sa ulat ng DOH, umakyat na sa 44 ang bilang ng mga nabiktima ng firecrackers na mas mataas sa bilang na 43 sa kaparehong panahon noong nakalipas na taon.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000