|
News -
Major News
|
|
Monday, 15 March 2010 03:52 |
|
Bukas ang DOJ sa reklamo na posibleng ihain ng National Historical Institute aban sa Journey lead singer na si Arnel Pineda dahil sa pag-iiba nito ng tono at tempo sa pagkanta sa lupang hinirang sa laban ni Manny Pacquiao at Joshua Clottey. Ipinaliwanag ni Justice Secretary Alberto Agra na obligasyon ng kanilang ahensya na dinggin ang anumang reklamo na ihahain sa kanilang tanggapan.
Alinsunod sa Republic Act 8491, sinabi ni agra na ang pagtugtog at pagkanta ng pambansang awit ay dapat na isinasagawa ang orihinal nitong lyrics at tempo.
Ang lalabag dito ay mahaharap sa multang limanlibo hanggang dalawampung libong piso o pagkabilanggo ng hanggang isang taon.
Nagbanta si N.H.I. Heraldry Section Chief Teddy Atienza na sasampahan ng reklamo si Pineda sa DOJ matapos nitong baguhin ang tono ng Lupang Hinirang. |
Comments
RSS feed for comments to this post.