You are here :  
Today is : Monday, 20 October 2014
Pilipinas, Handang Maghain ng Diplomatic Protest Laban sa Bagong Polisiya ng China sa WPS
News - Major News
Friday, 30 November 2012 07:51

Handa ang pamahalaang Pilipinas na maghain ng diplomatic protest  laban sa China sa International Tribunal.

Ginawa ni Pangulong Noynoy Aquino ang pahayag matapos sabihin ng isang opisyal ng Chinese military na itataboy ng kanilang patrol boats ang mga barko na dadaan sa West Philippine Sea.

Ayon kay Pang. Aquino, nabasa nya sa dyaryo ang nasabing impormasyon kaya agad nyang tinawagan si DFA Secretary Albert del Rosario para alamin kung totoo ang nasabing banta ng Chinese military.

Iginiit ni PNoy na tahasang paglabag sa  freedom of navigation ang gagawin ng China at taliwas ito  sa  public statement ng kanilang mga opisyal.

Kaugnay nito, pinaghihinay-hinay ni PNoy ang pamahalaan sa pagtugon sa nasabing isyu hanggang walang malinaw na kumpirmasyon mula sa dfa upang hindi na makadagdag pa sa mainit na tensyon sa West Phil Sea.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000