You are here :  
Today is : Friday, 24 October 2014
Bonifacio, Dapat Tularan ng mga Pinoy - PNoy
News - Major News
Friday, 30 November 2012 07:49

Hinimok ni Pangulong Noynoy Aquino ang mga Pilipino na gawing halimbawa si Andres Bonifacio na ginugunita ang ika-isandaan apatnapu’t siyam na kaarawan ngayong araw.

Sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng aktibidad, sa Pinaglabanan Shrine, sa San Juan, sinabi ng pangulo na hindi nagpasindak si Bonifacio sa mga modernong armas ng mga Kastila at ipinagpatuloy ang pakikipaglaban para sa tama.

Sa pinaglabanan pinangunahan ni Bonifacio ang mga Katipunero sa kanilang pag-aaklas sa mga kastila noong August 30, 1896.

Inihayag ni Ginoong Aquino na bagaman walang naipanalo kahit isang laban si Bonifacio na kilala rin sa tawag na Supremo ay hindi ito nawalan ng pag-asa.

Aniya, makailang beses mang nabigo ang lider ng Katipunan ay hindi nagbago ang kanyang paninindigan.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000