You are here :  
Today is : Wednesday, 23 April 2014
AFP Western Command, Umalma sa Banta ng China na Pagsita sa mga Barkong Papasok sa WPS
News - Major News
Friday, 30 November 2012 05:12

Umalma ang AFP Western Command sa banta ng China na sisitahin ng Chinese Maritime Authority ang mga barko na papasok sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Ayon kay Western Command Chief Marine Lt. General Juancho Saban,  hindi ito maaring gawin ng China dahil paglabag ito sa international passage.

Gayunman, sinabi ni Saban na nakahanda naman silang magbigay ng seguridad sa civilian o military vessels sa area na sakop ng Pilipinas.

Napaulat na sisitahin at papanikin ng Chinese Navy ang mga barkong papasok sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000