You are here :  
Today is : Wednesday, 23 July 2014
Bonifacio Day, Sinabayan ng Kilos Protesta
News - Major News
Friday, 30 November 2012 05:10

 

Sinabayan ng kilos protesta ng mga manggagawa ang paggunita sa ika-149 na anibersaryo ng kapanganakan ng bayaning si Andres Bonifacio ngayong araw.

Ayon kay Kilusang Mayo Uno Chairperson Elmer Labog, sunod-sunod ang kanilang mga aktibidad na isasagawa.

 

 

Nagtipon ang grupo sa harap ng Liwasang Bonifacio sa maynila bago magmartsa patungo sa US embassy, kung saan magkakaroon ng maiksing programa.

Pagkatapos nito ay nagmartsa sila patungong mendiola, kung saan isang programa rin ang magaganap.

Maliban sa Metro Manila, may mga aktibidad din ang kmu sa ibang bahagi ng bansa gaya sa Cordillera, Timog Katagalugan, Bicol, Central Visayas, Eastern Visayas, Panay, Cagayan de Oro, Caraga at Southern Mindanao.

Paliwanag ng grupo, pangunahin nilang ipaglalaban ang 125 pesos across-the-board na dagdag-sahod at ang pagbasura sa bagong wage system.

Giit pa ni Labog, ang pinakamainam na paraan para bigyang-parangal si Bonifacio ay ang ipagpatuloy ang pakikibaka para sa mga mithiin niya sa sambayanang Pilipino.

Magsusuot din ang mga magpoprotesta ng maskara ng mukha ni Bonifacio bilang simbolo ng patuloy na pakikibaka ng mga tinaguiang modern day Bonifacio.

 

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000