You are here :  
Today is : Tuesday, 22 July 2014
7 Opisyal ng Aman Futures Inc., Kinasuhan ng SEC
News - Major News
Friday, 30 November 2012 05:05

Sinampahan ng Securities and Exchange Commission ng kasong paglabag sa RA 8799 o Securities Regulation Code ang pitong opisyal ng Aman Futures Group Philippines Incorporated.

Kabilang sa mga kinasuhan sina Manuel Amalilio, Fernando Luna, Lelian Lim Gan, Eduard Lim, William Fuentes, Naezelle Rodriguez at Lurix Lopez.

Kinasuhan ang mga respondents matapos lumitaw sa imbestigasyon ng SEC na walang  lisensya ang mga ito sa kanilang pag o operate ng invesment contract.

Oct. 15, 2012 nang makatanggap ang SEC ng endorsement letter mula sa DTI hinggil sa kahilingan ng isang Serafin Barreto na imbestigahan ang ginagawang pag aalok ng Aman sa Pagadian City ng 30 hanggang 60 percent na interest sa investment.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000