You are here :  
Today is : Thursday, 24 July 2014
Php 2.006 Trillion Proposed National Budget, Inaprubahan sa Senado
News - Major News
Thursday, 29 November 2012 03:01

Pinagtibay na rin ng Senado ang proposed 2013 national budget na nagkakahalaga ng 2.006 trillion.

Mataas ito ng 10.5 percent kumpara sa budget ngayong taon na 1.816 trillion.

Sa susunod na linggo ay sisimulan nang isalang ang panukalang pondo sa bicameral conference committee kung saan pag-iisahin ang magkaibang versions ng Senado at Kamara.

Sa 15 senador na dumalo kahapon sa sesyon, 14 ang bumoto ng “yes” habang nag-iisang kumontra si Senador Joker Arroyo.

Ayon kay Arroyo, nawala na sa kongreso ang power of the purse  o  ang kapangyarihan sa paglalaan ng budget dahil ang dikta na ng Malakanyang ang nasusunod.

Katunayan aniya ay halos xerox copies ang versions ng Palasyo, Senado at Kamara ng budget na pinagtibay lamang ng Senado sa loob ng limang araw simula nang isalang ito sa plenaryo.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000