You are here :  
Today is : Saturday, 25 October 2014
Labi ng Ikatlong Pinoy na Nasawi sa Pagsabog sa Oil Rig sa Gulf of Mexico, Natagpuan na
News - Major News
Thursday, 29 November 2012 02:56

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Washington na labi ng Filipino worker ang pinakahuling narekober ng mga otoridad sa  pagsabog sa isang oil platform sa bahagi ng Gulf of Mexico.

Sa isang kalatas, sinabi ni Ambassador Jose Cuisia na narekober na ang bangkay ng kababayang si Jerome Malagapo, matapos ang ilang araw na paghahanap.

Bunsod nito, umakyat na sa kabuuang tatlo ang Pinoy fatalities sa insidente.

Ang 28 anyos na si Malagapo ay tubong Danao City, Cebu.

Inihayag din ng opisyal na kanila na ring ipina-alam sa maybahay ni Jerome ang latest development.

Sinasabing narekober umano ang labi nito sa layong 20 milya mula sa pinagyarihan ng insidente.

Una nang namatay sa nasabing pagsabog ang mga Filipino oil worker na sina Avelino Tajonera at Ellroy Corporal habang tatlong Pinoy pa ang ginagamot.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000