You are here :  
Today is : Thursday, 23 October 2014
Pagadian City Mayor Samuel Co, Kinasuhan na ng Syndicated Estafa
News - Major News
Wednesday, 28 November 2012 05:28

Sinampahan ng kasong syndicated estafa sa DOJ si Pagadian City Mayor Samuel Co, asawa nitong si Priscilla Ann Fernandez Co at sampung iba pang opisyal ng Aman Futures Group Philippines Incorporated.

Batay sa anim na pahinang reklamo nina Samsodin Ala, Fabian Tapayan at Norolhaya Taha, naglagak sila ng P7.8-m sa Aman na idineposito sa account ng asawa ni mayor.

Nag-alok anila ang Aman ng mula 30 hanggang 100 percent na interest  sa Pagadian City mula buwan ng hulyo hanggang Oktubre 2012.

Kabilang sa isinumiteng ebidensya ng tatlong complainants ang kopya ng dalawang litrato ni Mayor Co kasama si Manuel Amalilio at ang business permit na ibinigay ng naturang alkalde sa Aman.

Kabilang sa respondents sina Manuel Amalilio, Fernando Luna, Leilan Lim Gan, Eduard Lim, Willaniel Fuentes, Naezelle Rodriguez, Lurix Lupez, Mohammad Hassan Mackno, Dimasara Jova, Ian Madarang,Priscilla Ann Fernandez Co at Mayor Samuel Co.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000