You are here :  
Today is : Thursday, 24 April 2014
e-Passport ng China, Pansamantalang Kikilalanin ng Pilipinas
News - Major News
Wednesday, 28 November 2012 08:09

Pansamantalang kikilalanin ng Pilipinas ang inilabas na e-passport ng China kung saan naka-imprinta ang mapa ng Spratly Islands.

Ayon kay presidential spokesman Edwin Lacierda, hindi naman kasalanan ng mga Chinese kung may hawak silang passport na inaalmahan ng maraming bansa.

Iginiit din ni Lacierda na ang pagkilala sa bagong e-passport ng China ay hindi makapanghihina sa laban ng Pilipinas sa pag-angkin sa Spratlys at Panatag Shoal.

Sapat na aniya ang note verbale at ang mga pahayag ni Pangulong Aquino sa Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit para iparating ang posisyon ng Pilipinas sa isyu ng West Philippine Sea.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000