You are here :  
Today is : Thursday, 23 October 2014
Pagadian City Mayor Samuel Co, Kakasuhan Kaugnay ng Pagkakasangkot sa Aman Futures Pyramid Scam
News - Major News
Tuesday, 27 November 2012 04:14

Kinumpirma ni Justice Secretary Leila de Lima na sasampahan na ng National Bureau of Investigation ng kasong kriminal si Pagadian City Mayor Samuel Co sa pagkakasangkot sa 12-billion peso scam.

Ayon kay de Lima wala silang magagawa kundi umaksyon na dahil malinaw naman ang mga lumalabas na ebidensya ng posibleng pagkakasangkot ni Co sa scam.

Maaari aniyang biktima din si Co pero hindi naman maaaring magbulagbulagan ang DOJ sa mga ebidensya na nagsasabing may partisipasyon nito sa scam.

Si Co kasama ang 23 police and fire officers ay una ng nagreklamo sa DOJ laban sa Aman Futures Group kung saan 30 milyong piso umano ang nawala sa kanila.

Sa ngayon, mayroon ng 9,644 complaints laban sa Aman Futures.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000