You are here :  
Today is : Tuesday, 23 September 2014
FBI Agent, Darating sa Bansa para Imbestigahan ang Pagpatay sa isang US Marine
News - Major News
Tuesday, 27 November 2012 04:12

Darating sa bansa ang mga ahente ng US Federal Bureau of Investigation para magsagawa ng sariling imbestigasyon sa pagpaslang sa isang inactive US Marine officer, sa Makati City.

Nag-ugat ang pagpaslang sa Amerikanong si George Anikow dahil sa pakikipagtalo sa apat na suspects na sina Alfonso Abastillas, Crispin Dela Paz, Osric Cabrera at Galicano Datu III.

Nakasagutan umano ni Anikow ang mga suspek nang magtangka ang mga ito na pumasok sa Bel-Air Subdivision hanggang sa mauwi sa suntukan at pananaksak sa U.S. Marine.

Isinugod pa ang dayuhan sa Makati Medical Center subalit binawian din ng buhay habang agad namang naaresto ang apat na suspects na nasa 20 hanggang 27 ang edad.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000