You are here :  
Today is : Friday, 31 October 2014
DOJ, Sisimulan na ang Imbestigasyon sa Aman Futures Pyramid Scam
News - Major News
Tuesday, 27 November 2012 04:08

Sisimulan na ng Department of Justice ang pagdinig hinggil sa Aman multi-billion investment scam ganap na alas dos, Martes ng hapon.

Pangungunahan ni Senior Assistant State Prosecutor Edna Valenzuela ang pagdinig kasama ang labintatlo pang prosecutors.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, tinatayang nasa labinlimang libo katao mula sa Visayas at Mindanao mula sa iba’t-ibang sektor ang nabiktima ng Aman Futures Group Philippines Inc.

Sinasabing nag-aalok ang Aman ng interes na 30 hanggang 80 percent sa perang kanilang ilalagak.

Inaasahan namang dadalo sa pagdinig ang anim na opisyal ng aman na una nang sumuko sa National Bureau of Investigation upang magsumite ng kanilang counter affidavit.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000