You are here :  
Today is : Wednesday, 08 September 2010
Pagdedeklara ng State of Calamity sa Mindanao, Inirekomenda kay Pangulong Arroyo!
News - Major News
Wednesday, 10 March 2010 08:56

Inirekomenda ng National Disaster Coordinating Council o NDCC kay Pangulong Gloria Arroyo na isailalim sa state of calamity ang buong Mindanao dahil sa power crisis.

Inaasahan ni NDCC Chairman at Defense Secretary Norberto Gonzales na agad magpapalabas ng presidential proclamation para sa kanilang rekomendasyon.

Ipinaliwanag ni Gonzales na sa pamamagitan ng deklarasyon, magagamit ng pamahalaan ang kanilang calamity fund para sa short term solutions sa epekto ng el NiƱo sa rehiyon.

Sa ngayon, ayon sa kalihim, nakararanas ang mga lalawigan sa Mindanao ng lima hanggang walong oras na brownout kada araw dahil sa 700 megawatt power shortage.

 

Add comment


Security code
Refresh

Live Video Streaming

typhoon 2000