You are here :  
Today is : Wednesday, 08 September 2010
AFP Chief Delfin Bangit, Sa Diyos at Hindi sa mga Politiko Magpapagamit!
News - Major News
Wednesday, 10 March 2010 08:53

Tiniyak ng bagong talagang AFP Chief of Staff na si Lt. General Delfin Bangit na hindi ito magpapagamit sa partisan politics.

Binigyang-diin ni Bangit na tanging sa Diyos siya magpapagamit kasabay ng pangakong igagalang ang konstitusyon at mananatili ang civilian supremacy sa pamahalaan.

Ipinagtanggol naman ni Bangit ang kanyang commander in chief sa mga kritiko sa paggiit na hindi siya kailanman nakatanggap ng iligal na kautusan mula kay Pangulong Gloria Arroyo.

Nagsilbi si Bangit bilang pinuno ng Presidential Security Group mula 2003 hanggang 2007.

Binalikan din ni Bangit ang kanyang mga kritiko na nanghuhusga sa kanya na magiging bias dahil sa pagiging malapit nito sa pangulo.

Iginiit ng heneral na hindi sa pagiging pinuno ng PSG nagsimula ang kanyang military career kaya’t mas makabubuting busisiin anya ng kanyang mga kritiko ang kanyang record mula nang siya ay isang young lieutenant.

 

Add comment


Security code
Refresh

Related News

Live Video Streaming

typhoon 2000