|
News -
Major News
|
|
Wednesday, 10 March 2010 08:48 |
|
Sinampahan ng kasong administratibo sa Napolcom ng mga kaanak ng biktima ng Maguindanao Massacre ang animnapu’t dalawang pulis na dating nakabase sa Maguindanao.
May kaugnayan ito sa umano’t kapabayaan ng mga pulis na mapigilan ang krimen noong Nobyembre 23, 2009.
Ayon kay Atty Harry Roque, legal counsel ng pamilya ng mga biktimang mediamen, kasong grave misconduct ang kanilang inihain laban sa mga pulis na posibleng ikasibak ng mga ito sa serbisyo.
Kabilang sa mga kinasuhan si Insp. Sukarno Dicay, ang dating Deputy Chief ng Maguindanao Police na una nang itinuro ng ilang saksi na namuno sa pagharang sa convoy ng pamilya Mangudadatu sa chekpoint sa bayan ng Ampatuan. Hiniling din ng mga kaanak ng mga biktima na patawan ng 90-day preventive suspension ang mga pulis habang pinag-aaralan ang kaso. |