You are here :  
Today is : Wednesday, 08 September 2010
Pinay Domestic Helper, Tumalon sa Condominium sa Singapore!
News - Major News
Wednesday, 10 March 2010 05:26

Isang Pinay domestic helper ang nagpakamatay umano sa pamamagitan ng pagtalon mula sa condominium unit matapos atakihin ang kanyang mga employer sa Singapore.

Sa hindi tinukoy na dahilan, pinalo ng plantsa ng hindi pinangalanang Pinay ang kanyang among babae na kwarenta’y singko anyos na Japanese.

Kumuha rin umano ito ng mga kutsilyo sa kusina at sinaksak ang among Japanese at asawa nitong kwarenta’y siyete anyos na Caucasian nang tangkain ng mga ito na payapain ang Pinay.

Matapos magwala ay tumalon ang trenta anyos na DH sa Draycott 8 Condominium, sa Draycott Park, sa Scotts Road.

Nagtamo ng minor injuries ang mag-asawang employer habang dead on the spot ang Pinay worker.

 

Add comment


Security code
Refresh

Related News

Live Video Streaming

typhoon 2000