You are here :  
Today is : Wednesday, 08 September 2010
10 Katao, Patay sa Hiwalay na Car Accident sa Bataan at Tayabas, Quezon!
News - Major News
Wednesday, 10 March 2010 03:42

Patay sa salpukan ng isang van, bus at tricycle ang pito katao kabilang ang dalawang Koreano sa Limay, Bataan, 11:00 PM Martes ng gabi.

Ayon kay P01 Sonny Bravante ng Limay PNP, nabangga ng KIA Van ang isang tricycle bago ito sumalpok sa Genesis bus.
Hawak na ng Limay Police ang driver ng Genesis Bus na binangga ng KIA Van  na  service vehicle  ng  isang  factory  sa  naturang bayan.

Samantala, patay ang isang pulis at dalawang civilian agents nang banggain ng truck ang kanilang sasakyan sa Maharlika Highway sa bayan ng Tayabas, Quezon, 1:30 PM, Martes ng Hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina PO1 Joaquin Trinidad ng Quezon Provincial Police Office-Criminal Investigation and Detection Group; civilian agents na sina Andrew Anat at Mark Virtucio at ang driver ng  truck na nakilala lamang sa alyas “Teteng”.

Nawalan umano ng preno ang driver ng truck at sumalpok ito sa patawid na sasakyan nina PO1 Trinidad.

 

Add comment


Security code
Refresh

Live Video Streaming

typhoon 2000