You are here :  
Today is : Thursday, 23 May 2013
Maybahay at Pamilya ni Robredo, Handa sa Anumang Posibilidad
News - Major News
Monday, 20 August 2012 04:10

Habang  patuloy  na  umaasa  na nasa  ligtas  na  kalagayan   si  DILG  Secretary   Jesse  Robredo, inihahanda  na  rin  ng  pamilya   ang   kanilang  sarili  sa  posibilidad  na  wala  na  ang  kalihim.

Ito  ang  inihayag  ng   Atty. Lenny  Robredo,  maybahay ng  kalihim   sa  ikalawang  mensaheng  ipinalabas  sa  kanyang Facebook  account.

Kasunod nito, ipinaabot  ni  Atty.  Robredo  ang  kaniyang  pasasalamat   kay   DSWD Secretary  Dinkee  Soliman  na   laging  nasa  kanyang  tabi  ngayon upang personal  na  magbigay ng moral  support.

Nagpasalamat  din   ang  maybahay  ng  kalihim  kay   Budget  Secretary   Butch  Abad, Presidential Spokesman Edwin Lacierda at iba pang  opisyal  ng  pamahalaan na nakikiisa sa kanilang panalangin para sa  kaligtasan  ni Robredo.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000