You are here :  
Today is : Wednesday, 22 May 2013
Rolito Go, Posibleng Ilagay sa Medium o Maximum Security Level
News - Major News
Friday, 17 August 2012 07:56

Posibleng itaas sa medium  o  maximum  mula sa minimum ang level of security ni convicted murderer Rolito Go.

Ito, ayon kay Supt. Richard Schwarskopf, chief ng New Bilibid Prisons, kasunod ng umano’y pagdukot kay Go sa kulungan, noong Martes ng gabi.

Sinabi rin ni Schwarskopf na iniimbestigahan nila ang lahat ng posibilidad at inatasan na niya ang mga prison official na direktang responsable sa pagkawala ni Go na magsumite ng paliwanag.

Sakali aniyang mapatunayan na walang nangyaring kidnapping ay posibleng  maharap si Go sa hiwalay na kasong kriminal at mabalam ang paglaya nito sa susunod na taon.

Nakatakdang lumaya si Go sa June, 2013 matapos kumpletuhin ang 20 taong sentensya kaugnay ng pagbaril sa college student na si Eldon Maguan dahil sa away-trapiko noong 1991.

 

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000