| Allowances ng mga Mahistrado at Hukom, Ibinasura ni PNoy sa Proposed 2013 Budget |
| News - Major News |
| Friday, 17 August 2012 07:44 |
|
Ibinasura ni Pangulong Noynoy Aquino ang monthly allowances para sa mga mahistrado at judges base sa panukalang 2.006 trillion peso 2013 National Budget. Simula sa susunod na taon, nais ni PNoy na i-turn-over sa Treasury at maging bahagi ng general fund ang mga nakokolektang fees ng hudikatura mula sa litigants at mga mamamayang kumukuha ng clearances at iba pang mga dokumento, sa halip na itago ng supreme court at gamitin para sa pagbibigay ng karagdagang allowances.
Magugunitang tinutulan ni Associate Justice Presbitero Velasco at Court Administrator Midas Marquez ang pagbasura sa kanilang mga allowance at nais nilang maibalik ito sa proposed 2013 budget. Nabatid ng House Appropriations Committee na nakakatanggap ang mga SC justices ng hanggang 130,000 pesos gross monthly pay kaya’t hindi na sila kailangang tumanggap ng karagdagang allowance mula 30-50,000 libong piso. |







