| NBN-ZTE Deal Whistle Blower Jun Lozada, Kinasuhan ng Graft |
| News - Major News |
| Friday, 17 August 2012 04:26 |
|
Sinampahan ng two counts of graft ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan si Rodolfo “Jun” Lozada base sa desisyon nito bilang president at chief executive officer ng government-run Philippine Forest Corporation noong 2007 at 2008. Sa unang kaso, inakusahan si Lozada na ipinagkaloob nito ang leasehold rights sa Transforma Quinta Incorporated na pagmamay-ari nito at ng kanyang asawang si Maria Violeta.
Sa ikalawang graft case, nabatid ng Ombudsman na may conflict of interest sa pagbibigay ni Lozada ng leasehold rights sa 6.59 na ektaryang public land na pinamumunuan nito simula noong 2009 sa kapatid nitong si Jose Orlando. Ayon sa Ombudsman, may sapat na dokumentong hawak ang kanilang tanggapan upang iakyat ang kaso ni Lozada sa Sandiganbayan. Tig-tatlumpung libong piso naman ang inirekomendang piyansa sa bawat kaso ni Lozada. |







