You are here :  
Today is : Tuesday, 21 May 2013
Rolito Go, Pinanindigan ang Pagdukot sa Kanya sa Loob ng NBP
News - Major News
Thursday, 16 August 2012 03:16

Iginiit ng convicted murderer na si Rolito Go na dinukot siya ng armadong kalalakihan sa loob mismo ng New Bilibid Prisons, sa Muntinlupa City.

Sa press conference na ipinatawag ni PNP Chief, Director General Nicanor Bartolome, sa Kampo Crame, kanina, sinabi ni Go na kinidnap siya at ang kanyang pamangkin na si Clemence Yu ng apat na lalaking nagpakilalang ahente ng NBI, sa Ina ng Awa Church, sa NBP, noong Martes.

Aniya, pinasakay silang pilit ng mga abductor sa kotse ng kanyang pamangkin na kulay puting Honda Civic at may plakang UUR 805 sa kabila ng kanyang sinabi na hindi siya maaring lumabas ng kulungan.

Nanlaban aniya siya nang mag-u-turn ang sasakyan palabas ng compound at tatlong beses siyang nakipag-agawan sa baril.

Sinabi ni Go na dinala sila ng mga kidnapper sa isang farm sa Sto. Tomas, Batangas kung saan nag-demand ang mga ito ng isang milyong pisong ransom kapalit ng kalayaan nilang mag-tiyo.

Gayunman, nang sa tingin aniya ng mga abductor ay wala talaga siyang pera, pinakawalan din sila ng mga ito dahil kahit naman aniya patayin siya ay wala ring mapapala ang mga kidnapper.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000