You are here :  
Today is : Monday, 20 May 2013
Rolito Go, Hawak na ng PNP
News - Major News
Thursday, 16 August 2012 03:14

Hindi nagtagal ng isang araw ang pagkawala o pagdukot kay high profile inmate Rolito Go sa loob mismo ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa.

Ito ay nang mabawi ng PNP si  go at ang pamangkin nito mula sa kidnapper pasado alas-8 kagabi sa Alabang.

Ayon kay PNP Chief Dir. Gen. Nicanor Bartolome, tinangay umano sina Go at Yu ng mga kidnapper at dinala sila sa Batangas.

Sinabi ni Bartolome, iniwan umano ng mga dumukot kina Go sa Tanauan, Batangas at ang dalawa naman ay sumakay ng bus patungo sa Alabang, Muntilupa.

Puno ng sugat sa katawan ng magtiyuhin na palatandaan na sila umano ay nanlaban sa kanilang kidnappers.

Sasailalim muna sa medical examinations ang convicted road rage killer bago suriin ng PNP ang katotohanan ng kanilang kuwento.

Una rito, nakipag-ugnayan na ang Philippine National Police sa Department of Justice  para sa paghahanap kay convicted murderer Rolito Go habang pinakilos na rin ang National Bureau of Investigation.

 

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000