You are here :  
Today is : Thursday, 23 May 2013
Magna Carta para sa Mahihirap, Inaprubahan sa Huling Reading sa Kamara
News - Major News
Friday, 10 August 2012 07:24

Inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang batas na nagbibigay ng Magna Carta sa mahihirap.

Layun ng House Bill 4484 na mabigyan ng mga oportunidad at maiangat ang kabuhayan at kalidad ng pamumuhay ng mga maralita.

Layun din ng naturang panukala na lumikha at palawigin ang employment at livelihood opportunities ng mahihirap upang matugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan.

Sakop ng Magna Carta of the Poor ang mga pamilya o indibidwal na kumikita ng mababa sa poverty threshold ng National Economic and Development Authority at hindi kayang tugunan ang kanilang minimum basic needs.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000