You are here :  
Today is : Sunday, 19 May 2013
Bilang ng mga Nasawi sa Kalamidad, Umabot na ng 60
News - Major News
Friday, 10 August 2012 04:51

Lumobo pa sa 60 ang bilang ng mga nasawi sa ilang araw na malakas na buhos ng ulan dulot ng hanging habagat na pinaigting ng tropical storm “Haikui.”

Sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, pito pa ang nawawala, lima ang nasugatan habang siyam ang nailigtas.

24 na kalsada naman at tatlong tulay ang hindi pa rin madaanan.

Umabot na sa 539,838 families o  2,442,135 individuals ang naapektuhan ng hanging habagat sa 144 na bayan at 31 lungsod sa 16 na lalawigan.

95 lungsod at bayan sa Metro Manila, Ilocos Region, Central Luzon at Southern Luzon ang nakaranas ng matinding pagbaha habang limang lalawigan at 23 lungsod at bayan ang isinailalim sa state of calamity.

 

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000