| Leptospirosis Alert, Itinaas ng DOH |
| News - Major News |
| Wednesday, 08 August 2012 04:17 |
|
Pinaalalahanan ng Department of Health ang publiko lalo na sa mga nakatira sa binahang lugar na agad na magpatingin sa doktor sa sandaling may maramdaman silang kakaiba sa kanilang katawan. Ginawa ng DOH ang paalala kasunod na rin ng idineklarang leptospirosis alert dulot nang walang tigil na ulan at malawakang pagbaha sa Metro Manila.
Partikular na pinayuhan ni Dr Eric Tayag, assitant secretary ng DOH, ang mga taong lumulusong sa baha na kontaminado ng ihi ng daga na uminom agad ng Doxycycline 200mg, isang beses sa isang linggo. Ayon pa DOH, kung hindi maiiwasang lumusong sa baha ay siguraduhing nakasuot ng bota, maghugas maigi ng paa at maglagay ng alcohol. Sa datus ng DOH simula Enero hanggang Hulyo 7, umabot na mahigit 2000 ang kaso ng leptospirosis, mas mataas ng 125.7 percent kumpara sa 887 biktima noong 2011. |







