You are here :  
Today is : Friday, 24 May 2013
DTI, Magpapatupad ng Price Freeze sa mga Lugar na nasa Ilalim ng State of Calamity
News - Major News
Wednesday, 08 August 2012 04:15

Mahigpit na ipinatutupad ng Department of Trade and Industry ang price freeze sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity dahil sa malawakang pagbaha dulot ng hanging Habagat.

Ipinaliwanag ni DTI Undersecretary Zenaida Maglaya na alinsunod sa price freeze, kailangang panatilihin ang presyo ng pangunahing mga bilihin sa presyo nito bago ang kalamidad.

Tiniyak naman ni Maglaya na sapat ang suplay ng mga pangunahing bilihin at hindi rin nagkaroon ng panic-buying sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity.

Pinayuhan naman ni Maglaya ang mga negosyante na huwag magsamantala sa mga residenteng naapektuhan ng kalamidad.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000